(Gays, Transgenders, and Bisexual Advocates for Youth)
Mula sa salitang GABAY, ang organisasyon na ito ay naglalayong maging tanglaw ng mga kabataang miyembro ng komunidad ng LGBT ( lesbians, gays, bisexuals, at transgenders) tungo sa wastong pagyakap sa kanilang sekswalidad, pamumuhay ng may dignidad at ipinaglalaban ang kanilang karapatan, at pagiging malaya subali’t responsableng mamamayan sa pamayanan at bansang kinabibilangan.
Kasaysayan
Noong ika-25 ng Setyembre, taong 2005, itinatag ang Boys Legion, isang grupo ng mga gays at bisexuals na nagsimula bilang isang texting community. Sa unang taon ng nasabing komunidad ay nagtuon ito ng atensiyon sa pagbibigay ng mga gawaing tumutugon sa mga bagay na ikauunlad ng pagkatao. Ito ay ang mga masasaya subali’t makabuluhang aktibidades at pagkakaroon ng isang komunidad na nagpaparamdam sa kanila na mayroon silang pamilyang kinabibilangan na ipinaparamdam ang pagmamahal at pagtanggap. Kasabay nito ay ang pagpapalawig ng nasabing grupo mula sa Kamaynilaan patungo sa Bulacan, Laguna, Cavite, at iba pang lalawigan mula sa Hilaga patungong Timog Luzon. Hindi naglaon ay nagsimulang magkaroon ng mga bagay na ipinaglalaban ang BL, kagaya ng pagsulong ng karapatang pantao ng mga LGBT at sumama sa mga organisasyon na may katulad na adhikain. Upang mas masusi pang maipakita ang sinseridad at makapagbigay pansin sa mga ipinaglalaban ng mga miyembro ng nasabing grupo ay itinatag ang GABAY...
Mga Depinisyon
Ginamit ang salitang Gay o Bakla sapagka’t ang depinisyon ng salitang ito ay isang indibidwal na may atraksyong romantiko, emosyonal, at sikolohikal sa mga miyembro ng katulad na bayolohikal na kasarian. Samakatwid, sakop nito, hindi lamang ang mga gays, kundi pati na rin ang mga lesbians. Kagaya ng salitang Gay, ang Bisexual ay tumutukoy rin sa mga tao, babae man o lalaki, na may emosyonal, sikolohikal at romantikong atraksyon tungo sa magkaparehas na kasarian. Sa kabilang dako, ang mga transgenders ay mga lalaking iniisip at ramdam na sila ay babae, o mga babaeng naniniwalang sila’y lalaki. Kapag nagkaroon na sila ng pisikal na pagbabago dahil sa operasyon upang makamtan ang parte ng katawan na wala sa bayolohikal na katawan, sila na ay maituturing nang mga Transexuals. Sa modernong konsepto, ang mga transgenders ay maituturing na ring mga straight.
PRICE :
Mga Programa ng GABAY
Psychological and Emotional Supports:
(Group Sharings, Peer Counseling, etc. )
Recreational Events and Activities:
(Sports Fest, House Parties, etc. )
Interactive Online and SMS Communities:
(Boys Legion texting community, yahoogroups, etc. )
Character and Identity Formation:
(Character Modules, Team Buildings, etc. )
Education and Information Dissemination:
(LGBT Forums, Seminars, etc. )
No comments:
Post a Comment